Bawal (Lucky 13)
- Hill Voice

- Oct 27, 2019
- 1 min read
Lahat ng bagay kanilang ipinagbabawal
Dapat nasa tama at may kabutihang asal
Palaging tandaan, ’wag kalimutan ang kanilang aral
Dahil talino’t ugali ‘yan sa atin ang nagbibigay dangal
Huwag maingay tuwing may klase
Huwag makipag-usap sayong katabi
Sa kanila ka lang dapat makinig
Mga turo nila ay dapat marinig
Huwag magtapon ng basura kahit saan
Ito’y replika ng iyong katauhan
At kung paano mo pahalagahan ang kalinisan
Hindi lang sa panlabas na anyo, pati sa bukal na kalooban
Mag-aral ka ng mabuti
Huwag kumopya sa iyong kaklase
Suotin ang tamang uniporme
Magbigay galang sa nakararami
Gawing mabuti ang yong takdang-aralin
Palaging sundin ang kanilang mga bilin
Dahil ang lahat ng yan ay para sayo rin
Ang ikabubuti mo ay kanilang mithiin
Nakakairita na ang maraming bawal!!!
Ngunit kung saan maraming ipinagbabawal
Siya ang may tunay na nagmamahal.

Comments